Sunday, February 14, 2016

Valentine Madness

Bt ganon, may boyfriend na man ako pero ang lungkot pa rin nang valentines ko? Kahit nung sa mga past relationships ko malungkot din. Haha siguro minamalas lang talaga ako nang nakukuhang boyfriend, kasi lahat sila walang ka-sweetan sa katawan.😔

Gaya nung ex kong gago, sa 6 years namen never sya nagbigay nang flowers saken. As in. Kahit sa ibang okasyon wala talaga. Tapos nung nagbreak kami and he wants me back, wow biglang nagbigay flowers! Isang dosena pa! May kasama pang cake and chocolates! And teddy bear at customized CD nang mga fave songs namen. And may 4 page letter pa! Oha. Naisip ko non, grabe kelangan palang magbreak muna kami bago sya mageffort nang ganito. Kaso, aanhin ko pa yon e break na nga. Wala na eh.😔

Tapos yung ngayon na man, di man lang sweet. Iniisip ko na lang na may mga taong ganyan talaga. Na hindi sweet pero mahal ka na man. Di expressive pero ibibigay naman sayo lahat. Siguro nasasad lang ako kasi ba na man sa dinami-dami nang nakikita kong couples and gifts and flowers sa paligid at sa Facebook, at ako wala man lang, sa tingin mo di ako mabibitter? Pero still, mahal ko boyfriend ko. And i'm not gonna give up on us just because he is not that sweet. :) i love him more than anything. Love you pigsy!😊😘🤗

No comments: