Sunday, November 17, 2013

Taken for granted

Pag may boyfriend/girlfriend ka, gusto mo lagi kayo magkasama. Gusto mo sa lahat nang bagay sya yung anjan at sa lahat nang pupuntahan mo sya yung kasama mo. 

Kaya pag minsan, konting lakad lang nang partner mo, napapraning ka. Kasi baka may ibang gawin diba? Pero ang tawag don? Walang tiwala. Reason naman nang nagdududa? Ayaw lang masaktan. At siyempre, ayaw masira yung relasyon na meron sila. Kumbaga pinuprotektahan lang. 

Kaya pag nalaman mo na may pinuntahan partner mo na hindi mo man lang alam dahil hindi sayo sinabi at hindi man lang sayo nagtext o tumawag nung mga panahon na yon, ano gagawin mo? Anong reaksyon ang dapat mong ipakita? Magagalit ka diba? Mapapaisip ka na bakit ganon? Di sayo nagsasabi? Ibig sabihin di ka importante. Kasi di ka kasali sa mga taong kino-consider niya na deserving nang respeto nia. Mapapaisip ka. Iisipin mo, okay lang kaya na gawin ko din yun sakanya? Will i be fair? Tapos pag ginawa mo, tingnan mo at ikaw pa ang mali. :) 

Oh life! 

"Everybody is going to hurt you; you just gotta find the ones worth suffering for."

No comments: