Yung preparasyon na ginagawa mo para pag dating niya ang ganda't gwapo naten db? Yung tipong 'fresh' lagi sa paningin niya. Yung lahat nang pag re-ready na ginagawa mo para pag dating niya, isang text o tawag niya lang e GO ka agad!
Tapos pag nagkita kayo muli akala niyo wala nang umaga. Na halos di niyo maalis mga kamay niyo sa isa't-isa. Puno nang pag-ibig yung first day niyo. Kahit wag na kayo mag usap ay okay lang dahil sapat na ang heart beat nang partner mo na naririnig mo. Very calming and peaceful kumbaga.
Tapos lalabas kayo, kakain, sine, pasyal. Ordinaryong pasyal. Yung kung ano nakasanayan niyo sa relasyon niyo, parati niyo pa rin ginagawa. Kahit medyo boring na pag minsan. Pero no choice kasi wala rin iba mapuntahan? Hehe. May mga tina-try din kayong bagong mga dating place at kainan, pero sabi nga, iba pa rin yung tried & tested na.
Tapos sa mga susunod na araw di masukat ang saya at liksi mo kasi magkikita ulit kayo. :) Kahit nakatunganga lang kayo mag hapon basta mag kasama kayo, e solve na solve ka na.
At sa mga huling araw niya sa pag bakasyon, e ganun rin ang nararamdaman mong lungkot dahil aalis na naman sya. At di mo na naman sigurado kung kelan ulit kayo magkikita.
Yan yung mga araw na nakaka-miss.
Gusto mo maulit pero mahirap na ibalik.
Kasi nagbabago ang lahat nang bagay. Minsan dapat matuto tayong makontento. Hindi yung naghahangad tayo at nagpaplano nang hindi naten sigurado. Nakuha nga naten ang gusto naten mangyari na makasama ang mahal naten. Wala nang hintayan kung kelan uuwi. Wala nang lungkot na madarama pag aalis. Pero ang kapalit nun? Wala na yung sabik niyo sa isa't-isa. Wala na rin yung tiwala na dati'y kinakapitan niyo habang kayo'y magkalayo. Ngayon mas napuno nang pagdududa ang relasyon niyo. Mas napapadalas ang away sa mga konti at maliliit na bagay. Unti-unti tila umiiba na ang ihip nang hangin.
Pwede pa na man mabago ang lahat. Basta magtiwala lang kayo sa isa't isa. Wag niyo hayaan masira ang kung ano meron kayo dahil sa simple at maliliit na bagay. Lalong lalo na, wag niyo hahayaan na palipasin ang mga problema o 'issue' na hindi napapagusapan.
Love doctor lang ang peg?!
~kt
No comments:
Post a Comment